Araw-araw simula nang magkolehiyo ako, sa "FX" ako sumasakay mula sa Deparo (lugar sa Caloocan North) patungong Cubao. Madali lang ang byahe, mga 45 minutes hanggang isang oras ang tinatakbo ng byahe ko araw-araw papunta at pabalik. nagiging 'hassle free' talaga kapag sa isang malamig at kumportableng sasakyan ka nakasakay tuwing papasok.
Ang problema nga lang e kapag nakaupo ka sa gitnang bahagi nitong sasakyang ito. Mapapa-tsk-tsk ka sa sikip lalo na kapag isang dabyana o isang lalaking napaka-insensitive ang makatabi mo. Kapag mataba, wala ka ng magagawa, kahit anong pilit niyang magpaliit, at umurong ng umurong, kahit pa gustuhin na nyang hatiin ang katawan nya, well atleast may effort diba? Yun nga lang, sana naisip nyang doon nalang sa likod umupo, mas maluwag, at hindi pa nya masisiksik ang katabi nya. Ang nakakainis e yung kapag isang lalaking napaka-ewan ang nakatabi mo. Tipong, kapag umayos lang siya ng upo niya e lahat kayo, kumportable ang upo. Pero dahil nga astig sya, ang sarap ng sandal nya, with matching bukaka pa at wagas na sandal sa sandalan. Ni hindi man lang ata nahahalata ng mokong na ito na halos itiklop mo na yung katawan mo magkasya lang sa upuan. Nakakainis kapag feel na feel mo ng onting usog mo nalang e baka sa kalsada ka na pulutin! Pero dahil nga hari ang katabi mo, wala kang rason para magreklamo (e kung sya kaya ang ihulog ko sa fx at ipasagasa sa rumaragasang bus??). Minsan naman e isang maarteng dilag ang makakatabi mo, pinapausog mo lang ng kahit kaunti para maisiksik mo ung pwit mo sa sasakyan e hindi gagalaw, kahit sigawan na ng drayber. Yun bang gustong gusto mo na sabihan ng "Ay, sosyal! Magtaxi ka nalang 'teh!", Inangkin na kasi yung buong upuan e! hehehe.
Meron pang mga nakakainis sa pagsakay sa FX, yung mga bata na malilikot, minsan nahuli ko na ang antok ko, biglang may nangangalkal ng bag ko, akala ko kung ano, yung bata pala, nangingialam ng gamit ko! Minsan naman yang mga batang yan, magsisisigaw, ang aga-aga, biglang sisigaw, sasabihin, "Ay mommy diba yan ung iskul ni Andrei", o kaya naman "Penge tubig, rararo ako, penge tubig". Nakakarindi kapag bigla nalang silang sisigaw! Di pa ata naturuan ng modulation of voice ng parents nila kapag nasa isang public transpo o lugar. pero walang mas nakaka-aning kapag biglang may umiyak na sanggol sa FX, tapos yung nanay, aawayin na rin ung bata kasi nga ayaw tumigil. "Ang kulit-kulit mo namang bata ka e!!Ihuhulog na kita d'yan! makita mo". Aba mommy, e lalo ngang iiyak yan! Try mo kayang padedehin o paypayan? Kung ayusin mo kaya ang pagkaka-kalong mo sakanya. Baka di lang kumportable sa pagkakaupo! Teka, mas nakakabadtrip pala kapag yung batang katabi mo e biglaang...sumuka!! Pati ikaw e babaliktad ang sikmura sa amoy ng sinuka nya! Mas badtrip kapag umamoy sa damit mo yung suka, at ang pinakabadtrip kung ikaw mismo ang nasukahan! Paktay ka diha!
Meron naman akong nakasakay, lalaki, sa gitnang upuan ng FX, aba, gentleman! hindi sya sumandal para nga naman ako ang makasandal! Ayos, may ganito pa pala sa panahon ngayon! Okay na sana kung hindi ko lang naramdaman yung siko niya na lumalapit sa dibdib ko! Siniko ko nga at ako ang hindi sumandal, sabay irap! (wow taray!). Hindi pa ata siya nakuntento sa pag siko ko sa kaniya, may naramdaman ako maya-mayang kamay malapit sa hita ko, ay "P*&@ng i$a, gera gusto!" Siniko ko nga uli sabay tingin sakanya, wow, tulug-tulugan. buti di na nya inulit kundi matitikman na niya kamao ko.
May mga bagong usong PUV na ngayon na bumabyahe ng Deparo-Cubao, mga Van, Hi-Ace ba. Wala rin namang problema, mas malamig, mas malawak, mas bagong modelo at mas marami ang naisasakay. Minsang nagmamadali ako at wala ng ibang available na upuan, sa tabi ng drayber nalang ako naupo, sa harapan. Ganda sana ng byahe, swabe, mabilis, kitang kita mo yung daan, ang ganda ng windshield e, pero nung biglaang nagbreak si manong, aba dumausdos ako sa kinauupuan ko! Walang mahawakan, madulas pa yung slacks ko pamasok, buti nalang at naiapak ko yung paa ko sa ibaba ng Dashboard! Kung hindi, nakakahiya ang posisyon ko. hehehe
Maraming nangyayari sa araw-araw na pagbibyahe natin, marami tayong co-commuters na talagang pasaway. Pero kung maarte ka at ayaw mo ng ganito, e di bumili ka ng sarili mong sasakyan! (tulad ko, heheh). hindi maiiwasang may makairingan dahil sa maangas na pagkakaupo o sa maingay na katabi. hindi naman kasi lahat tayo ay pinanganak na pare-parehas. Maaaring ang okay lang sa kanya e kinababadtrip mo na pala. Kaya sa araw-araw, ipagpasa-Diyos na lamang natin lahat ng makakasabay natin. o-ha!