Thursday, August 9

Mas maangas si "Habagat" kaysa kay "Gener"

Share ko lang sana ang series of misfortunes ko noong Lunes ng gabi. Matapos ang office hours, diretso na sana akong uuwi ng bahay, well diretso naman talaga akong umuwi, nang biglaang bumuhos ang pagka-lakas-lakas na ulan. Walang choice kundi ang lumusong makauwi lang. Nang makarating ako sa terminal ng FX sa may G. Araneta, lalo pang lumakas ang buhos, walang choice, sa kagustuhan kong makauwi at makapagpahinga, pumila nalang ako sa  sakayan, kahit pa walang bubungan doon, at payong at jacket ko lang ung panlaban ko sa lakas ng ulan at hangin. Syempre, basang basa ako. Makalipas ang higit isang oras (oo, ganun ako katyagang naghintay), nang marealize kong wala ng pag-asa na may dumating pang FX na byahe mula Quezon Ave. hanggang 5th Ave., umalis nalang ako sa kinatatayuan ko at nagdesisyong kumain muna saglit sa isang fast food. Sinarado na rin yung kalye sa G. Araneta patungong 5th Ave., mataas na raw kasi yung baha dun sa may tulay e.(Oo nga pala, nalimutan kong sabihing limang buwan na ang tyan ko kaya naman maya't maya e gutom ako).

Nang makakain na ako, nag isip ako ng alternate route makauwi lang sa Caloocan South, sa Maypajo, sa may Dagat-dagatan. Naisip ko, magdi-dyip na lamang ako hanggang Sm North, and from there, baka sakaling may masakyang bus pa-UE Letre, sa Sangandaan na lamang ako daraan. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ang dyip na sinasakyan ko sa Sm North. Akala ko may chance pa na maka-uwi ako ng matiwasay. pagkatawid ko ng overpass, nakita ko yung grabeng trapik sa EDSA patungong Monumento. Lalo akong nanlumo nang pagkarating ng bus terminal sa may mall e nag uumpukan na ang mga taong sasakay ng bus, (stranded din dahil sa lakas ng ulan). Gustuhin ko mang makipag tulakan at makipagunahan sa kanilang makasakay ng bus, wag nalang, sana kung hindi ako jontis, at saka, matrapik din naman ang EDSA.

Kaya naman, naisipan kong lakarin na lamang mula sa SM, hanggang Munoz, (hindi ito ang unang pagkakataong ginawa ko ito, una nung wala ring masakyan nung may event ung mga INC) nagbakasakali akong bukas pa ang LRT, dun na lamang ako sasakay pa-5th ave. Ang hirap pala, hehe, lalo na kapag may dinadala ka, doble pagod. Kinausap ko nalang si bebi, sabi ko, chill lang sya. haha.

Pagkarating ko ng Munoz, nagpasalamat ako sa Diyos at bukas pa ang LRT! Agad-agad, sumakay na ako. Pagkarating ko ng 5th Ave.. bumulaga sa akin ang baha, (hanggang sa may gitna ng binti lang naman kaya keri pa). Ang nakakagulat pa, ang daming tricycle, pero hindi sila bumabyahe, hanggang baywang na raw kasi ang tubig sa may riles sa C3. Sa loob-loob ko, 'WOW! so papaano nga ule kami makakauwi??'.

Since pursigido ako makauwi, di ko inalintana ang ulan, hangin at pagod na mga binti at likod dahil sa matagal ko ng paglalakad. Naglakad ako ulit mula 5th Ave. hanggang C3, masaya naman, andami kong kasabay na gusto na rin makauwi. Nang makarating ako sa may C3, ginulat ako ng mga malalaking trailer at container truck na tila nakaparada na lamang sa daan dahil sa trapik. Naglakad pa rin ako hanggang sa may riles, baka nga naman kaya ko lusungin yung baha hanggang sa may Ambassador (kabilang kanto). Nang makita ko kung gaano kalalim, inisip ko, 'ah, hindi ko nga toh kaya mag isa', kaya tinext ko nalang ang aking mister upang sunduin ako. Wala rin naman syang magagawa, pero atleast may kasabay at guide ako sa paglusong sa baha! Hehehe.. Nakakatuwa nga yung mga residente e, kasi concern sila sa mga taong di makatawid, may mga trak pa na nag o-offer ng libreng sakay hanggang sa kabilang kanto para hindi na mabasa mga taong stranded. Eto ang mangilan-ngilang litrato na nakuha ko (pagpasensyahan nyona at lowtech ang dala kong telepono):





ayun oh! libreng sakay!!



(pagpasensyahan nyo na, sabi ko naman, malabo..hehe)

After 15minutes, dumating na ung Knight in shining armour ko, (buti naka-Havaianas sya, hindi nasira sa paglusong sa baha, haha). Sabay naming nilusong ang maalon at maruming baha, holding hands pa! In all fairness, nakakaenjoy naman, iniisip ko lang talaga yung bata sa tummy ko.

Kineri naman namin, mula sa may riles hanggang sa may petron c3, nilakad namin, nilusong ang baha at ulan. Akala ko, doon na natatapos pero pagdating ng terminal ng pedicab, wow! Walang bumabyahe, antaas na raw kasi ng tubig e. Mabuti at may nakita kaming ka-isa-isang pedicab na redi suungin ang malalim na baha maihatid lamang kami sa bahay

 Pakarating ng bahay, naligo agad kami at nilubog mga paa namin sa mainit na tubig habang umiinom ng mainit na kape at tsokolate.

Salamat na lamang sa Diyos, kahit gaano ako nahirapang umuwi e, ligtas kami ng aking bebi.
:D

2 comments:

  1. grabe gurl! GRABE! severe itong (mis)adventure mo. good thing masunurin si baby.

    ReplyDelete
    Replies
    1. joskow, oo nga e, takot na takot kaya ako pagkauwi kasi pagod na pagod ako, baka maover fatigue kasi ako, then baka mag 1cm ung crvix ko at lumabas nalang bigla si Madge!!!
      Buti nalang at masunurin talaga sya at di na sya nagutom ule after kumain sa jobee.hehe

      Delete